top of page
Support Group

GRENFELL DEDICATED SERVICE

Kung ikaw o isang naulilang miyembro ng pamilya o nakaligtas at nais na makakuha ng higit na impormasyon tungkol sa iyong serbisyo, mangyaring pindutin sa ibaba para mag-login

Balangkas ng serbisyo

Ang Dedicated Service ay naglalaan ng ginawang personal, wraparound na suporta sa mga namatayan at nakaligtas sa trahedya ng Grenfel Tower. Sama-samang inihatid ng lokal na Konseho at ng NHS, ang serbisyo ay binuo upang matugunan ang mga indibidwal na pangangailangan ng mga tao at naglalayon na suportahan ang mga tao sa kanilang paglalakbay sa pagpapagaling.

 

Dinisenyo nang may malapit na pakikipagtutulungan sa mga namatayan at mga nakaligtas, ang Dedicated Service ay inilunsad noong Hulyo 2019 bilang sentrong bahagi ng Grenfell Recovery Strategy. Patuloy na hinuhubog ang serbisyo ng Steering Group na binubuo ng mga kinatawan ng mga namatayan at nakaligtas.

 

Ang mas marami pang impormasyon sa serbisyo at mas malawak na pagsisikap para makabangon ay makukuha dito (link sa RBKC website) at dito (link sa NHS website).

Hands Up

Ano ang maaasahan 

Ang mga namatayan at nakaligtas ay may suporta ng pinangalanang Dedicated Worker na kumikilos bilang unang kokontakin para sa kanilang mga pangunahing alalahanin at tanong. Kasabay ng ginawang personal na paraan, ang koponan ng mga espesyalista ay nagbibigay ng partikular na suporta na sumasakop sa pisikal at mental na kalusugan, paglaan ng tirahan, at probisyon ng edukasyon. Ang network ng naiangkop at nakasentrong iniatas na mga serbisyo ay sumasakop dito upang matiyak na ang mga namatayan at nakaligtas ay may access sa maraming iba’t ibang uri ng serbisyo na sumasalamin sa kanilang mga sari-saring pangangailangan.

 

Lagi naming hinahangad na maglaan sa mga tao ng maraming pagpipilian hangga’t maaari at kontrol sa suportang kanilang natatanggap, at magbigay ng mga serbisyo na naaangkop sa kultura.

Working Together

Ang

Koponan

Ang Dedicated Service ay sama-samang inilaan ng NHS at lokal na Konseho. Sa kabuuan ng pakikipagtulungan, mayroon kaming sari-saring koponan, na sinanay para sa mga sandali ng trauma at pagdadalamhati, na naglalayong bumuo ng pinakamahusay na gawi para sa pagtutulungan ng maraming ahensiya.. Kabilang dito ang mga coordinator para sa pisikal na kalusugan, dalubhasa sa pangunahing pangangalaga, propesyonal sa mental na kalusugan, kwalipikadong social worker, sinanay na mga opisyal sa pabahay, tagapayo, kawaning tumutulong sa mga kabataan, kwalipikadong guro at may karanasang komisyonado. Nakikipagtulungan din kami sa maraming kasamahan sa komunidad na espesyalista sa mga iba’t ibang larangan.

Holding Hands

CONTACT US

Thanks for submitting!

bottom of page